SYNOPSIS OF THE NOVEL I'M WRITING

LEVI McPHERSON, a graduate student of analytical chemistry at the University of North Central Florida, is approached by agents of the Homeland Security’s Counter-terrorism Unit. The agency is recruiting Lee to study and expose the loopholes of screening instruments in airports. Struggling financially, he accepted the offer, making him a paid, benevolent hacker of the nation’s gateway. Yet Levi is horrified when an Airbus from Los Angeles disintegrated in mid-air.

At 40, when everybody’s career trajectory is going up, Levi’s still a poor graduate student, struggling financially. His research projects however, are worth million dollars. Researching the highly classified and heavily guarded secrets of detecting traces of explosives, what Lee know was a goldmine. The agency's offer is his financial break . So Levi tackles the problem like a scientist, detailing the loopholes of the aviation security and turning what he knew into a big time money machine.

JIM and JONATHAN of the counter-terrorism unit, where nowhere to be found after Charlotte International Airport, a hub of Delta Airlines closed abruptly because of instrument malfunctions in their security lines. And in a post-Osama Bin Laden’s era, the biggest blow to the United Stated after the 9/11 disaster comes unexpectedly when a passenger plane blew up in the skies of Washington D.C., in the heart of the nation.

Levi knew it was only the start of more troubles, so he recruits his fellow graduate students to counter the future attacks. They have to think like criminals—and scientists too. With the help of FBI counter-terrorism experts, Homeland Security and Transportation Security Agency, the team races to close and plug the loopholes Lee identified.

Saturday, March 1, 2008

HOW I LOVE UPLB

(Blogger's note: This is not my piece but this well written journal captured my sentiments about Los Banos, that's why I grabbed this one from an e-mail. I worked in Calamba before, a 40-60 minutes commute from LB, but I opted to stay in Los Banos, for same reasons below. If this happens to be yours or you know who wrote this, e-mail me to acknowledge you)


But it's always you I run home to, take me back, take me home away from here back to where I am free" -"LosBanos" by Sugarfree

Dalawang oras mula sa usok-infested streets of Metro Manila matatagpuan ang aking personal heaven dito sa mundo. Matanaw ko pa lang ang Mt. Makiling mula sa South Superhighway, kinikilig na ako. Wala naman akong girlfriend sa LB. Lalo nang wala ding boyfriend. Kahit ka-fling na pwedeng balikan, wala naman akong pupuntahan. Pero yung feeling pwede mong itulad sa pagpunta mo sa bahay ng mahal mo matapos ang isang buwang walang pag-uusap o pagkikita.


Nasa LB ang org ko, pero hindi naman kami close ng mga orgmates, actually parang iwas pa nga sila sa kin e. Nandito sa Metro Manila ang mga kaibigan ko. Nasa Pasig ang pamilya ko. Wala naman akong ancestral roots sa Los Banos. Mayroon lang talagang hindi maintindihang connection sa pagitan ko at ng napakagandang lugar na to.

Bakit kaya ako napaibig sa Los Banos?


Suspect: Yung environment.


Kasi sa umaga, ang sarap langhapin ng hangin. Ang sarap panligo nung mainit na tubig na lumalabas sagripo. Lalo na pag may matinding hangover, ang sarap pantanggal ng sakit ng ulo. Lalabas ka ng bahay,maririnig mo yung iba't-ibang huni ng mga ibon. Dadampi sa mukha mo yung lamig ng simoy ng hangin, at didikit sa sapatos mo yung damo na nabasa sa hamog.


Hindi ko kayang lakarin ang Ayala Avenue from EDSA to Buendia, pero pag sa LB, kahit doblehin pa yung same distance, wala akong reklamo. Kahit ilang milyong bumbilya pa ang ilagay mo sa mga building ng Makati ,walang tatalo sa napakagandang backdrop ng LB, ang Mt.Makiling . Minsan magtataka ka, sa isang araw na walakang makikitang ulap, makikita mong nakatambay ang mga clouds sa tuktok ng bundok na ito.


Suspect: Yung pagkain.

Wala namang pinagkaiba yung pagkain sa LB kumpara sa Manila e. Sa totoo lang, hindi din ako madalas kumainn g buko pie. Madaming kainan sa LB, pero ginawa kong suspect yung pagkain kasi napamahal talaga ako sananay ko dahil siya yung araw-araw na nagluluto ng laman-tiyan ko. Kung gagawa ako ng list ng "The BestLB Food", nasa menu ko ang mantika-licious Ellen's Fried Chicken, yung Pinoy-style siomai sa Papu's, yung, Doner Durum (LB version ng shawarma), yung dinuguan na binebenta sa Lapitan's Meat Shop, yung chocolate cake ng Mer-Nel's, yung tokwa sa IC's bar, at syempre ang aking all-time favorite na Bug-Ong Roasted Chicken. May natikman pa akong bagong panalong chibog, yung sa Ihaw Express na malapit sa WhiteHouse.


Kahit sinong taga-LB ang tanungin ninyo, sasabihin nya na mas masarap ang Lucky Me Pancit Canton na niluto sa LB kesa sa niluto sa kung saang lugar.
Suspect: Yung inuman.
Kung magtatayo ka ng business sa LB na ayaw mong malugi, magtayo ka ng liquor shop o kaya ng affordable na bar. Dahil may kasabihan nga na "hindi ka taga-LB kung hindi ka marunong uminom". Madaming resto- bar sa LB, pero nothing beats the house parties. Bago pasumikat yung gin-pomelo sa Manila , yun na yung iniinom namin. Madami pa kaming nagawang kakaibang cocktail. Yung Kamehame Wave (vodka ice tea), yung POGi (pineapple orange gin), yung FuKiKo (fundador,hershey's kisses, tsaka kape), yung Boracay (Tanduay 3-in-1 coffee mix evap), at ang walang kamatayang PinaColaTa (pineapple coke tanduay).
Sa LB, mas maganda ang tagayan kaysa kanya-kanyangkuha ng inom. At shempre kulang ang inom pag walang home-made pulutan tulad ng Kilawing Cornick at ang sikat na sikat na Tuna-Skyflakes.

Suspect: Yung mga tao.
Ewan ko lang ngayon pero nung nandoon pa ako sa LB, walang social climber. Walang pa- sosyal dun. Yung mgagaling sa mga mayayayamang pamilya (conio in layman's terms), kailangang mag-fit in sa masa. Hindi importante ang porma. Kahit naka-pambahay na damit at tsinelas ka pag papasok, tanggap ka na ng lipunan. Kaya yung mga kilala ko na taga-UP Diliman dati, hindi ma-gets yung mga kwento ko kung gaano kami ka-barok sa UPLB. "How baboy naman the pig", ikanga nila.

Walang mapagkunwari sa LB. Siguro dahil nga small town lang to, lahat magkakakilala. Kung may pino-protektahan kang image, eventually, lahat ng baho mo lalabas din. Kaya mas magandang ilabas mo na yung totoong ikaw kasi mas mapapasama kung mabubuko kalang.


Suspect: Yung memories.


Ahhh. The memories. Siguro sa lahat ng suspect ko, etoang parang "Mastermind" . Pag nakasakay ako ng jeep sa LB, o kaya kahit naglalakad lang, hindi ko naiiwas ang tumingin sa isang bahay, sa isang bar, o sa isang kainan, at sabihin sa sarili ang mga bagay na tulad ng "uy, diyan yung first kiss ko sa 3rd girlfriend ko", o kaya "diyan sa bangketang yan natulog yung brod ko nung nalasing", o kaya "diyankami pinakitaan ng multo". Halos lahat ng lugar sa LB,may naiwan akong memory doon. May mga napalitang mga establishments, pero may itatayong bago na maaring pag-iwanan ulit ng alaala. Kung tutuusin, ang LB ay isang buhay na diary para sa kin. Bawat lugar, isangp pahina. Bawat araw, isang linya.


Madaming hindi nakakaintindi sa akin kung bakit pabalik-balik ako sa Los Banos, lalo na yung mga batchmates ko noong college. Lagi ko nang naririnigyung mga phrases na "Grow up", "Move on with yourlife", "Leave the past behind", "Wala ka na sa stageng buhay mo na college ka pa din". Masakit marinig, pero may point nga sila.


Kaya minsan, tinanong ko yung housemate ko na umuuwi sa LB every weekend. Sabi ko "bakit kaya ako bumabalik sa LB eh isinusuka na ako ng mga tao doon, wala naman akong binabalikan, wala naman akong napapala?"


At hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabinya."Tinatanong pa ba yan? HOME. Home is where the heart is."

No comments: